Madalas akong mag-imagine na habang ako'y naglalakad sa kalsada ay marami akong mapupulot na pera. Minsan, iniisip ko, may isang makalaglag sana ng envelope na puno ng pera at pagkatapos ako ang makakapulot. Walang address. Walang pangalan. O kaya naman, may 'sang magnanakaw na hinahabol ng pulis, at sa aking pagsalubong ay ibabato nya sa akin ang isang bag na pera ng walang nakakapansin. Kaya madalas, pag ako'y naglalakad sa kalsada, lagi akong nakayuko...umaasang may mapulot kahit barya. Ahahaha.
Na-in-love ako sa "street photography". Ayaw ko sya noong una dahil nahahabag ako at naiinis sa aking mga nakikita. Naawa dahil marami tayong kababayan ang talagang salat sa kadukhaan, nakikita ko ang tahanan nila sa kung saan-saang silong lang. Nanlilimos. Namumulot ng pagkain sa basurahan. Manghihingi ng piso. Kung minsan, ang natira kong gulaman ay hihingin pa ng ibang mga bata. Nakatunganga maghapon katabi ang kanilang panindang kendi na halos iilang piraso na lang. Kung saan mailatag ang likod, ayos na ring higaan. Marami ang natutulog kung saan-saan lang. Umaaraw man o umuulan.
Naiinis din dahil parang walang tumutulong sa kanila. Walang pumapansin. Katatakutan. Pandidirihan. Ang gobyerno sana ang nangunguna sa pag-aksyon sa mga kagaya nila. Pero sadyang kulang o kaya nama'y talagang walang maasahan. Naiinis dahil wala rin naman akong magawa.
Pero sa paglaon ng mga panahon sa daan-daang larawang aking nakuhanan, at sa mga buhay na aking namasdan, nakita ko rin ang pwedeng magawa ng aking mga larawan. Na ang aking mga kuha ay pwedeng magsilbing tinig nila. Tinig na hindi naririnig o ayaw pakinggan ng karamihan. Gayundin naman, ang mga larawang ito'y personal ko ring pinagkukuhanan ng mahahalagang aral ng aking buhay. Na ako bilang naka-aangat sa kanila ng kaunti, ay dapat matutong magpasalamat at maging kontento sa biyayang aking natatanggap sa araw-araw. Nawa, ang ibang makatingin sa mga kuhang ito, ganun din ang maramdaman.
Iba-iba ang buhay sa kalsada. Iba't-ibang tao ang pwede nating makita. Kanya-kanyang gawa. Kanya-kanyang istorya.
Babalik-balikan ko ang kalsada. Maglalakad ako ng hindi na nakayuko. Di man ako makapulot ng pera, alam kong may mas mahalaga pa na pwedeng mapulot sa kalsada.
Tuesday, August 31, 2010
Sunday, August 22, 2010
Sunday Message: The JOY of life
People want to be happy. We want that happiness to be present in everything we do and in everywhere we are. We want happiness in our office, in our family, in our circle of friends and in our inner self. It's good to want happiness.
But JOY is different. Happiness is dependent on things and events that favors you but joy is something within, something deep, that no matter how difficult your situation may be, you know you have that "peace" inside you that says everything IS okay.
Joy depends on God not on things.
Kaya maraming tao ang walang kagalakan sa buhay kahit pa tila nasa kanila na ang lahat. Hindi lahat ng mayaman ay masaya. Hindi lahat ng meron ay may kagalakan. Gayundin naman, hindi lahat ng mahirap ay dapat magpakalungkot o tingnan ang sarili nyang mababa. Sapagkat ang kagalakan ay nakukuha sa pamumuhay ng simple at may kakuntentuhan. Sabi nga sa isang commercial sa TV: "Life's satisfaction does not depend on what you have but in what you do with what you have."
Isa pa, kaya marahil maraming tao ang walang kagalakan dahil ang simpleng buhay na bigay ng Diyos sa kanya ay ginagawa nyang komplekado. People should learn to prioritize things and live life simpler. Joy can be found on the simple things around you if you just learn to appreciate life as it comes. Ang simoy ng hangin, ang kape at pandesal sa umaga, ang iyong pamilya, lahat ng yan ay maaaring maging bukal ng kagalakan na hindi mo nakikita o tinitingnan. Instead, we focus on our deadlines, sidelines, paano kikita, paano yayaman, money, money, money. We end up disoriented, stressful and unhappy. Hindi ko sinasabing masamang magpayaman, pero hindi lang yan ang dahilan kung bakit ka nabubuhay! Look around you, baka marami kang nami-miss. At the end of each life, baka marami tayong pagsisihan sa huli at sabihin nating "sana nagawa ko ito, sana napuntahan ko yan." Pero di na maibabalik ang panahong lumipas.
The time to be joyful is now!
So how can one have JOY in his life?
Put...
1. Jesus first.
Unahin mo ang Diyos. Hindi lang sa salita, ipakita mo sa gawa. Acknowledge naman your Creator and give thanks to what He's done, what He's doing and what He's going to do. He loves you more than you can imagine and yet, di mo yun pansin. Nagpasalamat ka na ba na buhay ka ngayong umaga? Nagpasalamat ka na ba na may hininga ka pa? Na nakakapaglakad ka, nakakakain, nakakabasa? It must be really painful to feel neglected, imagine how God feels na wala man lang Sya sa eksena ng iyong araw-araw na buhay.
2. Others next.
Jesus said, "Love each other, just as I have loved you." Paano pinakita ni Hesus ang Kanyang pagmamahal sa atin? He died on the cross so we may live. He died for all. Without condition. No "ifs", no "buts". That then is how we should love other people. Hindi yung mahal mo dahil mahal ka din. Binigyan mo ng "something" dahil binigyan ka rin. Love unconditionally.
3. Yourself last.
Wag kang swapang. Wag madamot. Wag puro ikaw, ikaw, ikaw! Akala ng iba, by gaining everything and being the first is what will make them happy. Tandaan natin na mas mataas ang lipad ay mas masakit ang pagbagsak. Sadyang may iba na walang pakialam sa kanilang mga nasasagasaan at nasasapawan marating lang at maabot ang kanilang mga "selfish desires". Life is not about being first on its race or winning for that matter, but it's about playing fair. Joy can be found if we see the people around us happy and successful. Nasaan ang joy dun kung ikaw lang ang masaya and everyone else is suffering?

Ecclesiastes 3:12
I know that there is nothing better for men than to be happy and do good while they live.
So how can one have JOY in his life?
Put...
1. Jesus first.
Unahin mo ang Diyos. Hindi lang sa salita, ipakita mo sa gawa. Acknowledge naman your Creator and give thanks to what He's done, what He's doing and what He's going to do. He loves you more than you can imagine and yet, di mo yun pansin. Nagpasalamat ka na ba na buhay ka ngayong umaga? Nagpasalamat ka na ba na may hininga ka pa? Na nakakapaglakad ka, nakakakain, nakakabasa? It must be really painful to feel neglected, imagine how God feels na wala man lang Sya sa eksena ng iyong araw-araw na buhay.
Matthew 6:33
But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well.
Jesus said, "Love each other, just as I have loved you." Paano pinakita ni Hesus ang Kanyang pagmamahal sa atin? He died on the cross so we may live. He died for all. Without condition. No "ifs", no "buts". That then is how we should love other people. Hindi yung mahal mo dahil mahal ka din. Binigyan mo ng "something" dahil binigyan ka rin. Love unconditionally.
Matthew 22:39
'Love your neighbor as yourself.'
3. Yourself last.
Wag kang swapang. Wag madamot. Wag puro ikaw, ikaw, ikaw! Akala ng iba, by gaining everything and being the first is what will make them happy. Tandaan natin na mas mataas ang lipad ay mas masakit ang pagbagsak. Sadyang may iba na walang pakialam sa kanilang mga nasasagasaan at nasasapawan marating lang at maabot ang kanilang mga "selfish desires". Life is not about being first on its race or winning for that matter, but it's about playing fair. Joy can be found if we see the people around us happy and successful. Nasaan ang joy dun kung ikaw lang ang masaya and everyone else is suffering?
Mark 9:35
"If anyone wants to be first, he must be the very last, and the servant of all."
Conclusion:
How to be joyful? Live simple. Know your priorities. Appreciate life. Kahit di ka mayaman o sikat o cute. God created you for a purpose! :)
Tuesday, August 17, 2010
Sabit
Isang experience.
Papunta ako ng Quiapo, sa Maynila. Pagdating ko sa may V.Mapa, ang jeep kong sinasakyan ay biglang hinabol ng mga bata at animoy mga gagambang talon na nagsi-akyatan sa punong-punong jeep na aking kinalalagyan. "Hoy! Bumaba nga kayo dyan!" Sigaw ni mamang driver habang nakatingin sa napakaliit nyang salamin sa harap ng kanyang ulo. "Baka madisgrasya pa kayo, sagutin ko pa kayo." Pagpapatuloy ng mama.
Sa aking pakiwari, may punto nga naman ang mama. Ang kita nyang kakaunti baka sa pagpapagamot pa mapunta, o di kaya'y sa pagpapalibing ng musmos na mga bata. Ang masama nya'y baka mabugbog pa sya ng mga tambay sa kanyang dinaraanan sakaling mangyari nga ang kanyang kinatatakutan. Gusto ko rin sana silang sawayin, bilang nakakatandang "concern" sa kanilang kalagayan. Baka nga naman mahulog, kawawa naman. Pero imbes na manaway, napangiti pa ako't natuwa sa kanilang kakulitan.
Hehehe, gawain ko rin yan kasi dati.
"Mama, pasabit! Hanggang kanto lang!" Biglang haharurot para kami ay iwasan. Hahabulin mo hanggang sa mahablot ang estribo. Hating-gabi na, laman pa kami ng kalsada. Minsan, may mabait na driver na magpapasabit, ang iba nga'y papasukin ka sa loob na hindi pagbabayarin. Yun yung mga pagkakataong namumulot kami ng mga kaha ng sigarilyo. Para gawing pera-perahan sa kalog o tansing. Kung minsan mga bakal-bakal at tanso na pwedeng ibenta para maipambaon sa eskwela, pambili ng nutriban at kung anu-anong kakanin na binebenta ni titser na pag-hindi ka bumili, babawasan ka ng grado sa exam. Salbaheng guro. Panakot lang naman nya, pero salbahe pa ring guro. Malayu-layo kasi kung lalakarin. Sayang naman din kung mamasahe ka pa. Alanganin. Naiipit ka tuloy sa gitna. Kaya yun ang aming paraan, ang makisabit sa mga jeep. Ang sumakay ng walang-bayad. Delikado sa mata ng mga matatanda. "Adventure" sa aming mga bata.
Di kasi kami mayaman. Ang simpleng kawalan ng P1.50 ay sapat ng lason sa isipan para isisi kung kani-kanino kung bakit kasi hindi kami mayaman. Ang bawat sentimo noon ay iniipon. Pinupulot at pinahahalagahan. Di gaya ngayon, magagalit ka pa pag sinuklian ka ng baryang may butas sa gitna.
Pumreno ang jeep at ang driver ay akmang bababa. Kanya-kanyang puslit ang mga bata. Pero sa di kalayua'y nag-ipon-ipon ding bigla. Nagsisikuhan. Nagtatawanan. At nag-aabang muli ng panibagong masasabitang sasakyan.
Masisisi ko ba sila sa delikadong bagay na kanilang ginagawa? Di ko alam. Naiipit ako sa gitna.
Friday, August 13, 2010
O, ano na?
Ang ingay-ingay ko ngayon sa opisina. Sigaw ako ng sigaw, malakas na sigaw pero wala ni isa sa akin ang nakakapuna. Huh!? N-a-k-a-k-a-b-a-l-i-w pala ang pag-iisa. Ala kang magawa at wala ka ring makausap. Tingin sa pinto, sa sahig, dingding, dumi, mesa, kisame. Pina-iikot ang upuang napupunit na sa kalumaan. Pina-iikot din ang mata sa mga bagay na araw-araw mo naman ding nakikita. May dumi pala ang monitor ko, ngayon ko lang napuna! Tatayo. Uupo. Lalakad. Uupo. Facebook, checked. Flickr, checked. Uy, may nag-comment! Sandaling siglang napalitan din ng paghihikab at walang humpay na pag-uunat. Di na ako tatangkad....
.....
.....nakatulog na pala ako! haha, pasensya na sa aking amo.
Excited pa naman ako sa bagong blog page ko. Gusto ko sanang lumabas at kumuha ng litrato. Pero eto, nakakulong sa maliit na kwarto.Tunog lang ng aircon ang naririnig ko. Sakit sa ulo! Aaaaaah! Gusto kong lumabas, tumalon, tumakbo at lumipad! Tatalunin ko ang matataas na building dyan sa ortigas. Languyin ko kaya ang manila bay kahit na puro burak? Ah, punta na lang akong baguio tapos babalik din agad! Oooh, ang lamig! Brrrr.
Riyalidad.
Nakakatamad! Super! Nakaka-freeze ng utak! Nakaka-umaaaay.
May mga araw yatang sadyang gan'to lang. Kaybagal ng oras. Ang dami mong gusto at dapat gawin pero inunahan ka ni Ka Tamad. Masipag naman ako kapag ang daming trabaho. Pasensya na ulit sa aking amo. Alam kong may mga nasayang sa oras ko. Pero kailangang labanan ko. Babawi ako.

Thursday, August 12, 2010
Subok lang
May tatlumpong minuto ko na ring tinititigan ang monitor ng aking computer. Minamasdan ko ang aking bagong gawang blog page. Wala akong maisip na isulat o larawang gusto kong ilagay. Magta-type ako at pagkatapos ay buburahin ding lahat. I-inglesin, tapos tatawanan ang sariling gramar, oops, grammar. Susme!
Ano ba itong pinasok ko na naman?
Naengganyo marahil ako sa mga nababasa ko sa ilang mga kaibigan. O kaya'y naghahanap ng pupuno sa mga oras na lumilipas na wala namang ginagawa kundi ang magbasa ng mga comments ng kung sinu-sino at kung saan-saan. Trip lang? Siguro. Pero sa totoo lang, noon pa'y gustung-gusto ko na rin ang pagsusulat, at gusto ko ring sumabak sa mga gan'tong blog blog blog. Yun nga lang ay takot akong gawin dahil ako'y hindi sanay mag-ingles. Dahil ang akala ko'y inglisan ang labanan sa mga ganitong lugar sa internet. Pero naisip ko na tagalugin na lang tutal naman ay pinoy naman talaga ako at iyon ang salitang komportable akong bigkasin at ipangsulat. Higit naman yatang mahalaga na ako ang unang maka-unawa ng aking mga isusulat bago ang iba. Bahala na lang ang mga magbabasa (kung meron man) na hindi nakakaunawa ng tagalog na mag-transate. Kung pinoy ka naman at di mo "feel" ang tagalog...mahiya ka! But of course, i also have to try writing in English, naks! (Siguro may mali akong grammar sa sentence na iyon, critics, welcome! hehe) Di naman iyon masama o kasalanan. Pasundo't-sundot lang, sabi nga. Paano nga naman ako matutuo kung di ko susubukan, right?
Kaya heto, subok lang. Di ko alam kung magtatagal. Gayunman, i-enjoy na lang natin ang bawat sandali ng pagbabahagian ng mga kwento at larawang ating natututunan at nasisilayan sa araw-araw. Ang bawat opinyon na iyong mababasa ay opinyon ko lang at hindi ibig sabihin ay iyon ang ganap na katotohanan. Pero sa mga opinyong na iyon, buksan mo lang ang iyong isipan. Malay mo, marami ka ring matutunan.
Let's roll! :)
Subscribe to:
Posts (Atom)