Friday, August 13, 2010

O, ano na?

Ang ingay-ingay ko ngayon sa opisina. Sigaw ako ng sigaw, malakas na sigaw pero wala ni isa sa akin ang nakakapuna. Huh!? N-a-k-a-k-a-b-a-l-i-w pala ang pag-iisa. Ala kang magawa at wala ka ring makausap. Tingin sa pinto, sa sahig, dingding, dumi, mesa, kisame. Pina-iikot ang upuang napupunit na sa kalumaan. Pina-iikot din ang mata sa mga bagay na araw-araw mo naman ding nakikita. May dumi pala ang monitor ko, ngayon ko lang napuna! Tatayo. Uupo. Lalakad. Uupo. Facebook, checked. Flickr, checked. Uy, may nag-comment! Sandaling siglang napalitan din ng paghihikab at walang humpay na pag-uunat. Di na ako tatangkad....


.....


.....nakatulog na pala ako! haha, pasensya na sa aking amo.

Excited pa naman ako sa bagong blog page ko. Gusto ko sanang lumabas at kumuha ng litrato. Pero eto, nakakulong sa maliit na kwarto.Tunog lang ng aircon ang naririnig ko. Sakit sa ulo! Aaaaaah! Gusto kong lumabas, tumalon, tumakbo at lumipad! Tatalunin ko ang matataas na building dyan sa ortigas. Languyin ko kaya ang manila bay kahit na puro burak? Ah, punta na lang akong baguio tapos babalik din agad! Oooh, ang lamig! Brrrr.

Riyalidad.

Nakakatamad! Super! Nakaka-freeze ng utak!  Nakaka-umaaaay.

May mga araw yatang sadyang gan'to lang. Kaybagal ng oras. Ang dami mong gusto at dapat gawin pero inunahan ka ni Ka Tamad. Masipag naman ako kapag ang daming trabaho. Pasensya na ulit sa aking amo. Alam kong may mga nasayang sa oras ko. Pero kailangang labanan ko. Babawi ako.

No comments:

Post a Comment